Compare Listings

Mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa housing loan

Mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa housing loan

Kung wala kang sapat na ipon, pwede pa rin kayo magka bahay sa pamamagitan ng pag avail ng housing loan. Pero hindi lahat ng housing loan ay swak sa pangangailangan mo. Kaya kelangan mong alamin ang mga detalye tungkol sa ibat-ibang housing loan na pwedeng mong aplayan.

Share po namin dito ang ilan sa mga pointers na pwedeng makatulong sa pagdedisisyon kung aling housing loan ang tama para sa yo.

1) Alamin kung magkano ang kaya mong bayaran

Walang ibang mas nakakaalam sa sariling mong pinansyal na kakayahan kundi ikaw. Ikaw ang nakaka alam, halimbawa, kung magkano ang kinikita mo bawat buwan. I-bawas ang lahat ipinambabayad sa mga utang, halimbawa utang sa appliances, sasakyan, o sa coop, kung meron. Palagay natin ang kita kada buwan ay Php 50,000.00, at ang mga utang na kelangan bayaran ay halagang Php 20,000.00, ang
neto ng kita mo kada buwan ay Php 30,000.00. Ito ay simpleng bagay na dapat di na banggitin, subalit kelangan mo malaman na ito ang pinagbabasehan ng mga banko pag sila ay nagrereview sa mga housing loan application.

Madali rin maintindihan kung bakit kelangan dumaan sa ganitong proseso. Ito ay para di ka mapasubo kung saka sakali dumating ang punto na di na kayang suportahan ang ibang pangangailangan sa bahay, o buhay, na mauuwi sa pagkawala ng iyong investment pag ang pinagkautangan na bahay ay ma foreclose ng banko.

Isang simpleng computation para malaman kung magkano ang pwedeng mautang sa banko ay kunin ang 30 percent ng monthly net income. Sa example natin na Php 30,000.00, ang 30 percent ay Php 9,000.00; kaya pwedeng kang umutang ng housing loan na kailangan bayaran ng di hihigit ng Php 9,000.00 kada buwan.

2) Gamitin ang Housing Loan calculator

Gaya ng aking nabangit, simple lang ang ginawa nating pag compute sa loan capacity. Pero merong mas maigi na paraan. Ito ay ang paggamit ng tinatawag na Housing Loan calculator. Kung pupunta ka sa mga bank websites, merong silang mga housing loan calculator na pwedeng mong ma-try. Pwede ka rin mag google search, at marami kang makikitang housing loan calculator.

Meron 2 klaseng housing loan calculator. Isa ay tinatawag na maximum loanable amounty calculator. Pangalawa ay ang tinatawag na amortization o mortgage calculator. Gamitin ang maximum loanable amount calculator kung gusto mong malaman kung hanggang magkano ang pwede mong ma loan at kung magkano ang babayaran mong monthly installment.

Gamitin ang amortization or mortgage calculator kung gusto mo malaman kung magkano dapat ang kinikita mong monthly income para magqualify sa isang housing loan. Kelangan alam mo ang loan term, loan amount, at iba pang detalye para makuha mo ang impormasyong hinahanap mo.

3) Piliin ang offer na pwede kang mag qualify

Huwag na magsayang ng oras sa loan provider kung sa bandang huli ay hindi ka naman pala makaka comply sa kanilang requirements. May kanya kanyang eligibility requirements ang mga banko at iba pang housing loan providers, gaya ng Pagibig. Halimbawa, may requirement tungkol sa edad, income o kita, employment status, credit history, at iba pa. Alamin agad kung alin sa kanila ang pwedeng mag approve sa loan application mo at doon ka pumili kung sino ang may pinaka paborable na offer para sa yo.

4) Piliin ang pinakamababa na interest

Iba-ibang rate ng interest ang pinapataw ng mga banko at financial institutions sa loans na pinoprovide nila. Maiging tingnan mabuti kung aling interest rate ng loan ang pinaka pabor sa yo. Alalahanin mong parang karaniwang tindahan ang mga bangko na pwedeng pababaan sila ng interest para maka hikayat ng mas maraming customer. Dapat mo ring tandaan na kadalasan mas mababa ang interest rate pag mas maiksi ang panahon na babayaran ang long, o kaya kung malaki ang downpayment.

Meron din tinatawag na fixed interest rate at variable or adjustable interest rate. Pag fixed ang interest, alam mo kung magkano ang kabuo-an ng babayaran mo buwan buwan; pag variable ang interest rate, pwede mas mababa o mas mataas ang babayaran mong interest kesa kung ito ay naka fixed. Tanungin mo ang banko kung alin dito ang mas pabor sa yo.

5) Isipin mo ang iba pang kelangan bayaran

Maraming klaseng fee ang kelangan bayaran mula ikaw ay mag file nga housing loan application at hanggan ma-approve at marelease ang loan. Muli, maiging himayin itong mga bayarin para malaman mo kung aling lender ang makakapagbigay sa yo ng pinaka magaang na package. Ilan sa mga fees ay sumusunod:

a) Appraisal fee–bayad para sa appraiser na tumitingin sa property na iyong bibilhin at susuri kung magkano ang market value o market price ng nasabing property. Kadalasan, ang amount ng fee ay mula Php 3,000 hanggang Php 6,000.

b) Handling fee–bayad para sa pag process ng application fee at kasama na dito ang para sa credit investigation. Ang singil para dito ay mula Php 3,500 hanggang Php 12,000.

c) Registration at notarial fees–ito ay bayad para sa mga papeles na kelangan gawin legal, gaya ng Deed of Absolute Sale, para malipat ang pagmamay-ari ng property mula sa seller papunta sa buyer. Ang nasabing dokumento ay kelangan ang notaryo at ito ay may karampatang singil.

d) Mortgage Redemption Insurance (MRI)–may binabayarang premium para sa insurance na syang sasagot kung sakali di na mabayarang ang loan dahil sa pagkamatay o permanent disability ng buyer na kumuha ng housing ng loan.

e) Fire insurance–ito ay proteksyon sa yo bilang buyer kung sakali ma-abo ang iyong bahay dahil sa sunog.

f) Documentary stamp tax–binabayarang buwis para sa notaryadong Deed of Absolute Sale.

Mga requirements para sa pag-apply ng housing loan

Ang sumusunod ay mga basic information na hinihingi ng mga financial institutions para sa pag apply ng housing loan:

a) Monthly or annual income (or combined income for married applicants)

b) Assets (including savings and investments)

c) Liabilities (including debts and existing loans)

d) Your preferred loan repayment period

e) Estimated or maximum down payment

f) Personal details (name, contact details, etc.)

g) Employment details

h) Co-borrower information (if any)

Huling paala-ala

Ang kadalasan nangyayari sa bilihan ng bahay at lupa sa Pilipinas ay dumadaan sa real estate developers at ang kanilang mga brokers o sales agents. Bihira ang buyer na dumadaan muna sa banko, saka maghahanap ng mga property na gusto nyang bilhin. Kaya pag nag apply ang buyer sa broker o agent, ang broker o agent na ang naghahanap ng bangko na syang mag proprovide ng housing loan. Ibig sabihin, walang paraan ang buyer para sya ang pumili ng banko. Dahil dito, dapat mag request ang buyer ng checklist ng mga banko gusto nyang applyan. Tandaan natin na ang mga broker at agent ay pwedeng kumita ng komisyon sa banko, at kung saan malaki ang pwede nyang kitain na komisyon, doon dadalhin ang iyong application maski hindi pabor sa yo ang mga bayarin na nakatali sa housing loan.

 

Click here to get this post in PDF

img

Ingming Aberia

Related posts

Extended Until March 31, 2020!!! – Things to know about the latest Filinvest Ready for Occupancy (RFO) Promo

What is this Filinvest Promo about? There are three promo types. UNIT TYPE PROMO A PROMO...

Continue reading
Ingming Aberia
by Ingming Aberia

What To Look For In Houses For Sale In Metro Manila and/or Nearby Areas

Everybody dreams of buying a house. However, nobody anticipates how hard it is to find one until...

Continue reading
Ingming Aberia
by Ingming Aberia

Join The Discussion

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com